NAGSIMULA na ng kanilang cloud seeding operation ang Angat Dam management ngayong araw bunsod nang bumababang water level.
Ayon kay Plant Manager Engr. Rodolfo German, nakipag-ugnayan sa sila sa mga lokal na pamahalaan at maging sa mga ahensya ng gobyerno para sa aktibidad.
Kaninang tanghali, 179.67 meters na lang ang tubig sa water reservoir at sinasabing mas bababa pa ito sa susunod na mga araw lalo na sa El Niño phenomenon.
Matatandaang itinigil na ang distribusyon ng tubig sa mga irigasyong dumadaloy sa lalawigan ng Pampanga at Bulacan dahil sa bumababang antas ng tubig.
The post Cloud seeding sa Angat Dam, sinimulan na appeared first on Remate.