PINALAGAN ng mga kongresista ang pagkakasama ng kanilang pangalan sa listahan ng mga sinasabing sangkot sa pork barrel scam na lumabas sa ilang pahayagan.
Dinepensahan ni Pampanga Rep. Oscar Rodriguez ang paglutang ng kanyang pangalan gayung hindi naman siya kongresista mula 2007 hanggang 2009.
Naghamon pa si Rodriguez sa kampo ni Janet Lim-Napoles na maglabas ng dokumento na magpapatunay ng partisipasyon niya sa pork barrel scam.
Sinabi naman ni House Deputy Speaker Carlos Padilla na pineke ang kanyang lagda at hindi siya magdadalawang-isip na magsampa ng kaso laban sa mga gumawa nito.
Banggit naman ni Mindoro Rep. Reynaldo Umali na “unfair” ang pagkakadawit sa kanyang pangalan dahil sa paglutang ng kanyang pangalan sa mga naunang imbestigasyon ay naklaro na ang kanyang pangalan.
Ngunit malinis aniya ang kanyang konsensya at wala siyang dapat pangambahan.
The post Solons na sabit sa ‘Napolist’ umalma appeared first on Remate.