INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District-Police Station 9 (MPD-PS9) ang naganap na pamamaril sa isang sasakyan na Kia Carnival (REC 289) ngayong hapon sa Malate, Maynila.
Sa inisyal na report ng PS9, alas-4:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Quirino, kanto ng Leveriza St., Malate, Maynila.
Inaalam naman ng pulisya kung ilan ang taong sakay ng naturang sasakyan nang pagbabarilin at umano’y tinangay rin ng mga armadong suspek.
Una rito, binaril umano ng mga suspek ang harapang gulong at salamin ng sasakyan ng mga biktima bago sila tinangay at iniwan na lamang basta sa lugar ang Kia Carnival.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pangingidnap na naganap ngayong hapon.
The post Pamamaril at pangingidnap sa Maynila, iniimbestigahan appeared first on Remate.