NAGAWANG mailigtas ng mga tanod ang 4-anyos na lalaki matapos umanong saktan ng kanyang ina sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Mayo 12.
Nadakip naman ang hindi na pinangalanang ina habang dinala sa Department of Social Welfare and Development ang biktima.
Lumalabas na alas-9 ng gabi, nagpunta sa tindahan sa nasabing lugar ang batang puro sugat ang mukha upang humingi ng makakain nang madaanan mga tanod.
Inusisa ng mga tanod ang bata na sinabing gawa ng kanyang ina ang mga sugat sa mukha dahilan upang puntahan ang suspek sa kanilang bahay subalit wala na ito.
Dinala sa presinto ang biktima bago dinala sa DSWD habang nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation kung saan nasabi nito na malikot ang kanyang anak kaya ikinukulong niya sa loob ng kanilang bahay ngunit itinanggi na siya ang may kagagawan sa mga sugat ng bata.
The post Paslit, nailigtas sa pananakit ng ina appeared first on Remate.