PATAY ang isang ginang nang saksakin ng kanyang mister sa loob ng kanilang computer shop sa Quezon City.
Nagtamo ng mga saksak sa dibdib at likod si Patricia Andrea Divino, 30, natagpuan ang bangkay ng mga kamag-anak sa computer shop na nasa Champaca Street, Barangay Pasong Putik.
Pinaghahanap na ang mister nito na si Joseph Divino, 33, na nag-iwan pa ng liham para sa kanilang 11-anyos na anak at humihingi ng tawad.
Natuklasan ang pamamaslang alas-7:00 ng umaga kanina.
Bago ang krimen, nabatid na nagkahiwalay ang mag-asawa ng halos dalawang linggo na dahil sa pananakit ng suspek sa biktima.
Nabatid na nagseselos ang lalaki sa biktima at inaakusahan itong may ibang karelasyon.
Dahil dito, napagpasyahan ng biktima na lisanin ang kanilang tahanan at manirahan na lamang sa kanilang computer shop.
The post Ginang tinodas ng mister sa computer shop appeared first on Remate.