PATAY ang 23-anyos na helper nang pagsasaksakin ng isang mag-ama na naangasan sa una sa Port Area, Maynila.
Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Edilberto Tangcay, Jr., ng Block 18, 2nd Street, Baseco, Port Area, Manila sanhi ng saksak sa katawan.
Kapwa naman sumuko ang mag-amang Dominador Penoringan, Sr. 75, at anak na si Dindo, 39, kapwa ng 2nd Street, Block 18, Baseco, Port Area.
Sa report, alas-6:45 ng gabi kahapon nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay sa Block 18, Baseco compound, Port Area, Manila
Nabatid na nag-iinuman ang biktima kasama ang isang Andres Calipes, Jr., 48, checker, at iba pang kaibigan nang sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay ibinato ng biktima ang isang mono block na upuan at walang laman na bote ng alak sa harapan ng bahay ng mga suspek na noon ay nakaupo si Dindo.
Nagalit si Dindo kaya hinarap ang biktima at sinuntok sa mukha.
Binalikan naman ng biktima si Dindo na humantong sa suntukan subalit inawat sila ni Calipes kaya tumakbo papasok ng kanilang bahay si Dindo.
Ilang minuto lang ay nakita naman ng biktima ang tatay ni Dindo na si Mang Dominador na siya namang hinarap ng biktima na nagkataon namang may sukbit na patalim kaya nasaksak si Tangcay na tinulungan pa ni Dindo.
The post Helper kinatay ng mag-ama sa Port Area appeared first on Remate.