KINASUHAN na ang siyam sa 11 mangingisdang Chinese na inaresto dahil sa panghuhuli ng pawikan sa Hasa-Hasa Shoal (Half-Moon Shoal) sa West Philippine Sea (WPS) nitong Miyerkules.
Nilinaw ng Department of Justice (DoJ) na paglabag sa Philippine Fisheries Code of 1998 partikular na sa Section 87 o Poaching in Philippine Waters at Section 97 o Fishing or Taking of Rare, Threatened or Endangered Species ang isinampang kaso sa mga Chinese.
Habang dinala sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang dalawa sa mga nahuling Chinese dahil menor-de-edad pa ang mga ito.
Sasailalim ang dalawa sa repatriation proceedings at wala na ring kasong haharapin dapat ang mga ito.
Naghain naman ang DoJ ng P30,000 na piyansa sa bawat akusado sa paglabag sa Section 87 at P40,000 sa paglabag sa Section 97.
The post 9 naarestong Chinese fishermen kinasuhan na appeared first on Remate.