PUMITAS ng kalahating puntos si Pinoy super grandmaster Wesley So upang makisalo sa top spot ng 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba kagabi.
Hanggang 85 moves ng Sicilian, Taimanov variation ang tinagal ng laro ni seed No. 3 So (elo 2731) kay No. 2 seed GM Vassily Ivanchuk (elo 2753) ng Ukraine upang ilista ng una ang 2.5 points sa event na may six players double-round robin format.
Kasalo ni 20-year old So sa unahan sina top seed GM Leinier Perez Dominguez (elo 2768) ng Cuba at GM Zoltan Almasi (elo 2693) ng Hungary.
Dinikdik ni Dominguez si GM Francisco Vallejo Pons (elo 2700) ng Spain matapos ang 47 sulungan ng Sicilian habang nakipaghatian ng puntos si Almasi kay Batista Lazaro Bruzon (elo 2682) ng host country.
Kikilatisin ni So si Almasi sa round 5.
Sa opening day, natablahan si So ni Bruzon at nanalo naman ito sa round two kontra kay Vallejo.
Nakuntento naman sa draw si So kay Dominguez sa third round.
Samantala, ginulat ni Almasi si Ivanchuk sa round three matapos ang 34 moves ng Scoth Game.
The post So nakisingit sa top spot appeared first on Remate.