Ito ang tahasang sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada kay Sen. Teofisto Guingona sa ipinalabas na subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee laban kay Justice Sec. Leila de Lima.
“Siguro nag-e-earn lang siya ng pogi points dahil simula noong nag-handle siya ng Blue Ribbon Committee hearings tungkol sa PDAF scam, lalo siyang lumubog sa survey. Baka gusto niyang mag-improve ng konti,” diin ng solon sa panayam sa kanya ngayong araw.
Binigyan ni Guingona ng ultimatum ang kalihim na isumite sa Senado ang ‘Napoles list’ hanggang sa Huwebes, Mayo 15, 2014.
Ang Napoles list ay listahan ng karagdagang mga mambabatas na nagdidiin sa anomalya sa P10 bilyon PDAF scam.
Hindi rin pabor ang senador na idinidiin sa anomalya kasama ang 2 pang senador gagamitin pa ni de Lima ang komite para puwersahin na isumite ang Naploes list sa Senado.
Samantala, umalma rin ang senador sa isyu na isailalim siya sa lifestyle check kasama ang pamilya.
“Spare my family. Huwag naman nilang isama ang mga anak ko, ang asawa ko tsaka iyong bunsong anak ko. Kung gusto nila akong pag-initan o ipakulong, gawin na nila. Ako na lang. Huwag na nilang isama ang pamilya ko,” pakiusap pa ng senador.
“Sa akin naman, ok lang iyon as I have said before I am open to any lifestyle check. Puwede nilang i-summon ang mga income tax returns ko. Kaya lang huwag naman nilang idamay ang pamilya ko. Pati maliit, wala namang kamalay-malay sa pulitika ay idadamay nila? Huwag namang ganoon. Sobra na iyon,” diin pa ni Estrada.
The post Jinggoy kay TG: ‘Nagpapa-pogi lang siya’ appeared first on Remate.