KINUMPIRMA ng National Power Corporation (NAPOCOR) na umabot na sa kritikal na lebel ang Angat Dam ngayong Linggo.
Bandang ala-1:00 ng tanghali kanina, naitala ng National Power Corporation (NAPOCOR) ang 180.00 metro na lebel ng tubig sa naturang dam, kritikal na lebel ng tubig sa Angat Dam.
Una nang pumalo sa 180.03 metro ang lebel nito, alas-11:00 ng umaga.
Dahil dito, inabisuhan na ng NAPOCOR ang mga residential area kung saan hindi muna prayoridad ang patubig sa mga irigasyon.
Diumano’y maaari ring mahinto ang pagsuplay ng tubig sa Bustos Dam sa Bulacan dahil nanggagaling sa Angat Dam ang tubig na makakaapekto naman sa kabuhayan ng mga magsasakang nakadepende rito.
The post Tubig sa Angat Dam nasa critical level appeared first on Remate.