HAWAK na ng Manila Police District (MPD) ang suspek sa pagpatay at panloloob sa isang “Aussie-Noy” na may-ari ng isang SPA sa Adriatico, Maynila.
Ayon kay SPO1 Rommel del Rosario ng MPD-homicide section, alas-10:00 kagabi nang kanilang maaresto ang suspek na si Aaron Balagtas, 32, construction worker ng 548 Real St., Zapote Las Piñas City.
Nabatid na si Balagtas ay sumuko kina Chairman Joel Lopez at Kagawad Jerry Juan ng Barangay 131 Zone 11 ng Caloocan City makaraang nagsagawa ng stake out operation ang MPD sa nasabing lugar.
Ayon kay del Rosario, kakasuhan ng robbery with homicide ang suspek.
Patuloy na isinasailalim sa interogasyon ang suspek sa posibilidad na ituro nito ang kasama niyang gumawa ng krimen.
Matatandaan na alas-9:20 ng umaga noong Biyernes nang natagpuang nakatali ang mga paa, may busal sa bibig at duguan ang ulo ng biktimang si Harry John Felipe Mackenzie, half Australian national, may-ari ng Yin Yang Balanced Massage sa 1555 H. P.Gil corner Adriatico , Maynila.
Ang biktima ay nadiskubre ng isang Christina Espidellon.
Nawawala umano ang vault na pinaglalagyan ng kita ng establisimiyento.
Bunsod sa insidente, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa Las Piñas, kung saan isang pintor ang isinailalim sa interogasyon at ituro si Balagtas na nasa likod ng krimen.
The post Killer ng spa owner arestado na appeared first on Remate.