NAGKARAMBOLA ang tatlong sasakyan sa may South Luzon Expressway (SLEx) northbound kaninang umaga.
Sa inisyal na impormasyon, sangkot sa karambola ang isang trailer truck, isang bus at isang kotse.
Hindi pa tiyak sa ngayon ng SLEx-Manila Toll Expressway System kung ilan ang mga sugatan sa insidente ngunit patuloy anila ang kanilang pagresponde at imbestigasyon.
Umabot na ngayon sa isang kilometro ang trapiko sa bahagi ng Calamba Toll Plaza dulot ng karambola.
The post 3 sasakyan, nagkarambola sa SLEx appeared first on Remate.