MAY 150 kababaihan ang dinampot ng pulisya sa dalawang nightspots sa Quezon City nitong Sabado ng madaling-araw, Mayo 10, para isailalim sa human immunodeficiency virus test.
Matapos ang pagsalakay sa dalawang club, dinala naman agad ang nasabing mga kababaihan sa Quezon City Police District headquarters sa Camp Karingal.
Gayunman, pinauwi rin agad ng awtoridad ang mga kababaihan matapos isailalim sa eksaminasyon.
Sa kabutihang-palad, walang naging positibo sa HIV virus at wala rin iniulat na menor-de-edad sa mga nahuling kabababihan.
Inilatag ng Philippine National Police at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagsalakay dakong 1 a.m.
The post 150 QC nightspots workers sinalang sa HIV test appeared first on Remate.