NAGPAKITA na naman ng abnormaliad ang Mayon Volcano sa Albay nang makapagtala ng tatlong volcanic quakes at magbuga pa ng maputing usok sa nakalipas na 24 oras.
Ito’y batay sa bulletin na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaninang umaga, Mayo 11.
Ayon sa PHIVOLCS, patuloy din ang moderate emission ng puting usok mula sa bulkan bagama’t walang naobserbahang liwanag sa bunganga ng bulkan.
Nananatili sa Level 1 ang alert status ng Mayon pero wala umanong nakaambang pagsabog.
Gayunpaman, mahigpit pa ring ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone.
The post 3 volcanic quakes, puting usok naitala sa Mayon appeared first on Remate.