KALABOSO ang isang ama matapos halayin at tusukin ng icepick ang dalagitang anak sa Valenzuela City kaninang madaling-araw.
Nahaharap sa kasong attempted parricide, rape in relation to child abuse ang suspek na si Tomas Brabante, 42 ng A. De Castro st., Malinta ng lungsod.
Sa ulat, alas-5:30 ng madaling-araw, natutulog ang biktimang edad 16, at kapatid na babae ng dalagita nang gisingin ng ama ang una at sinabing gustong makasiping habang may hawak na icepick.
Tumanggi ang biktima na naging dahilan upang magalit ang suspek sabay dalawang sunod na tinusok ang katawan ng dalagita.
Nagising naman ang kapatid ng biktima at agad na humingi ng tulong sa dalawa pang kapatid na lalaki at dinala ang biktima sa Valenzuela General Hospital upang magamot.
Ilang mga tanod ang rumesponde matapos malaman ang pangyayari na naging dahilan upang madakip ang suspek.
Sa ospital, nasabi ng biktima na nagsimula ang panghahalay sa kanya ng kanyang ama noong edad 6 pa lang siya at hindi makapagsumbong dahil sa banta ng suspek na papatayin silang mag-iina na naging dahilan upang sampahan ng mga nasabing kaso ang suspek.
The post Dalagita ginahasa ng tatay, saka tinusok ng icepick appeared first on Remate.