IBINIGAY na ng Commission on Human Rights (CHR) ang commitment nito para isulong ang social protection para sa lesbians, bisexuals at transgenders tungo sa pagpapasa ng Anti-discriminatory Bill.
Tiniyak ni CHR Commissioner Jose Manuel Mamauag ang pangunguna ng komisyon para isangkot ang mga mambabatas, local officials at maging ang hudikatura para sa non discrimination ng LGBT at pag amyenda sa batas.
Sa naganap na international forum on sexuality, poverty and law, iprinisinta ni Anne Lim, executive director ng Galang Philippines, Incorporated, isang LGBT Group ang mga paghihirap na nararanasan ng mga mahihirap na lesbians, bisexual women at transgenders sa pag-avail ng health, housing at iba pang social protection programs dahil sa kanilang gender orientation.
The post Proteksyon para sa 3rd sex community susulong — CHR appeared first on Remate.