PINAHINTULUTAN ng Korte Suprema ang ina ni Aldrin Jeff Cudia na makasali sa mga hakbangin ng pamilya para mabaliktad ang pagsibak ng PMA sa batang Cudia.
Pinagbigyan ng High Tribunal ang motion for leave to intervene na isinampa ng ina ni Cudia na si Ginang Filipina Cudia nitong nakalipas na March 24.
Kasabay nito, inutusan ng Korte Suprema ang mga opisyal ng PMA, ang honor committee nito para sa 2014 at ang cadet review and appeals board na magkomento sa loob ng 10 araw hinggil sa petition intervention ni Ginang Cudia.
The post Apela ng ina ni Cudia, pinayagan ng SC appeared first on Remate.