NASAKOTE ng awtoridad ang lalaking may sayad na nag-amok nakapatay sa isang lalaki at lubhang nakasugat sa anak nito sa Asuncion, Tondo, Maynila.
Ayon kay SPO1 Rommel del Rosario, alas-12 ngayong tanghali ng itawag sa kanilang tanggapan ng MPD-PS 2 na hawak na nila ang suspek na si Billy de Guzman, 32, nakatira 409 Interior St., Tondo, Maynila.
Nabatid na mismong ang kamag-anak ng suspek ang tumawag sa pulisya at sinabing naroon ito kung saan nanlaban pa umano sa mga pulis.
Sa ngayon, naka-confine pa rin sa Tondo General Hospital ang biktimang si Ronnel Raon, 19, anak ng nasawing si Ricardo Raon, 40, ng nabanggit na lugar.
Magugunita na nagkukuwentuhan umano ang mag-ama alas-9:15 ng gabi nang dumating ang suspek at sinaksak ang mag-ama.
Nagtamo ng apat na tama ng saksak sa likuran si Ricardo at namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), habang si Ronnel ay nagtamo naman ng saksak sa leeg.
Inihahanda na ng MPD-hs ang pagsasampa ng kaso sa suspek.
The post May sayad nag-amok, arestado appeared first on Remate.