NANAWAGAN na si UN Secretary General Ban Ki-moon sa China at Vietnam na kumalma kaugnay na rin ng namumuong tensyon dahil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Magugunitang umigting ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa pagsagasa at pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa nagpapatrolyang Vietnamese vessel.
Sinasabing tinangkang pigilan ng Vietnam ang mga tauhan ng China sa itinatayong oil rig kaya humantong ito sa matensyong tagpo na nakunan pa ng video.
Ayon kay UN deputy spokesman Farhan Haq, nababahala si Ban na mauwi sa mas malalang sitwasyon ang agawan ng teritoryo sa South China Sea lalo’t maliban sa Vietnam ay may iba pang mga usaping kinasasangkutan ang China laban sa Pilipinas, Japan at iba pang umaangkin sa mga isla sa South China Sea.
The post China at Vietnem, pinakakalma ng UN appeared first on Remate.