DINALAW ni Russian President Vladimir Putin ang Crimea peninsula.
Ang Crimea ay dating bahagi ng Kiev subalit inagaw ng Moscow na siyang ugat ng krisis ngayon sa Ukraine.
Ang pagpunta ni Putin sa Crimea ay sa gitna ng selebrasyon ng Russia sa pagtagumpay ng Soviet laban sa Nazi Germany noong 1945.
Sa kanyang speech sa Moscow para sa nasabing pagdiriwang, tiniyak ni Putin na idedepensa ang “motherland”.
Matapos ang speech ay lumipad ang Russian leader sa Crimea.
Una nang binalaan ni German Chancellor Angela Merkel si Putin na gamitin ang anibersaryo para dalawin ang teritoryong inagaw mula sa Ukraine.
The post Putin dinalaw ang Crimea peninsula appeared first on Remate.