PINATAWAN ng suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng prangkisa ang 15 na units ng Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) na nakabase sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Ito’y matapos maaksidente ang isang unit ng bus nila na nagresulta sa pagkamatay ng anim na pasahero sa Zamboanga del Sur noong Abril 28.
Inihayag ni LTFRB regional director Sultan Mandangan Darimbang na nagmula ang nasabing kautusan sa kanilang central office bunsod sa malagim na aksidente.
Sinabi ni Darimbang na habang sinuspende ang mga biyahe ng mga nabanggit na RTMI units ay nakatakda din itong tanggapan ng mga plaka sa susunod na linggo.
Nagpaabot naman ng buong kooperasyon ang pamunuan ng kompanya hinggil sa nasabing pangyayari.
Magugunitang kabilang sa mga nasawing biktima ay ang magkapatid na sina Kent John, 7; Jorelyn, 14 at Clenie Chiarra, 16; Lilia Billetes, 60; Jhecyl Nicdao, 2; at Revin John Languyan na tatlong buwan pa lamang.
Nakalulong na rin ang RTMI bus driver na si Biato Dumpa, Jr na nahaharap sa patung-patong kasong kriminal sa piskalya ng Aurora, Zamboanga del Sur kung saan naganap ang aksidente.
Napag-alaman na mula Pagadian City ay patungo sana ito sa Cagayan de Oro City subalit naganap ang aksidente pagdating sa Zamboanga del Sur.
The post 15 unit ng bus company, sinuspinde ng LTFRB appeared first on Remate.