PINASALAMATAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairperson Margarita Juico sa dedikasyon nito sa serbisyo sa pamahalaan at taumbayan.
Agad na tinanggap ni Pangulong Aquino ang irrevocable letter of resignation ni Juico at inaasahang tatagal na lamang ito sa kanyang puwesto hanggang ngayong buwan ng Mayo.
“She also served with President Corazon Aquino all throughout her presidency, then went on to serve in the PCSO Board in the succeeding administrations,” ani Press. Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr.
Si Juico ay malapit na kaibigan ng pamilya Aquino kaya’t kahit paano ay masakit sa loob nito na payagan si Juico na magbalik sa kanyang pribadong sektor.
Nakiusap naman si Sec. Coloma sa publiko na hintayin na lamang kung itatalaga nga ni Pangulong Aquino si dating Cavite Governor Ayong Maliksi sa posisyong iniwan ni Juico.
Hindi rin aniya totoo na may pulitika o may kinalaman ang kampong malapit kay DILG Sec. Mar Roxas sa agarang pagtanggap ni Pangulong Aquino sa resignation letter ni Juico.
Binigyan-diin ng opisyal na mainam naman ang naging pag-uugnayan nina Pangulong Aquino at Juico sa isa’t isa.
The post PNoy, pinasalamatan si PCSO Chairperson Juico appeared first on Remate.