ISA na namang kagawad ang binaril at napatay ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga na sakay ng motorsiklo sa Caloocan City kaninang umaga, Biyernes, Mayo 9.
Dead-on-the spot sanhi ng tama ng bala ng baril sa kaliwang mata si Rogelio Escano, 53, kagawad ng Barangay 44 at residente ng P. Sevilla St., nasabing lungsod.
Sa ulat, alas-6:30 ng umaga, nagluluto ang biktima sa loob ng Tony’s restaurant sa 8th Avenue ng lungsod nang pasukin ng mga suspek at isa ang bumanat sa kagawad.
Tumagos pa ang bala at tumama sa wind shield ng nakaparadang Avanza sa labas ng restaurant bago tumakas ang mga suspek.
Miyerkules ng gabi, tinambangan din at napatay si Kagawad Garry Moralla habang sugatan ang misis nito ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo sa Barangay 181, alas-10 ng gabi.
Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan ang pagkamatay ni Escano sa mga pagpatay din sa ibang opisyal ng Barangay sa lungsod.
The post Kagawad pa patay sa ambush sa Caloocan appeared first on Remate.