SUMAKABILANG-BUHAY na ang isa sa mga sundalong nasabugan ng nasunog na armory ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Miyerkules, Mayo 7.
Ayon kay Army Spokesperson Col. Noel Detoyato, binawian na ng buhay si Corporal Bernabe Mota sa V. Luna Hospital, alas-10:01 kaninang umaga.
Sa report, 65% ng katawan ni Mota ang nalapnos sa insidente kaya imposibleng mailigtas pa ito.
Dalawa pang sundalo ang nasa kritikal na kondisyon.
Umabot sa 32 sundalo at bumbero ang nasugatan sa pagsabog sa armory na nagsimula sa isang sunog.
Hindi pa rin matukoy kung paano nagkaroon ng sunog sa mismong armory ng army.
The post UPDATE: Isa na patay sa Fort Bonifacio blast appeared first on Remate.