KINUMPIRMA ni Professor Octavio Dinampo ng Mindanao State University na nasa kamay ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang dalawang Aleman na nawala sa pagitan ng Palawan at Sabah.
Ayon kay Dinampo, kinuha sa Rio Tuba, Southern Palawan ang 72-anyos na si Dr. Stefan Okonek at Henrite Dielen, 47.
“They were taken by ASG by the name of Ambrin Absara at saka si Muammar Askali gamit po yung volvo [boat] owned by a certain Jihad Susukan,” ayon kay Dinampo.
Nabatid pa kay Dinampo na dinala ang dalawang permanenteng residente ng Rio Tuba, Palawan sa Sitio Sangay, Barangay Buhanginan sa Patikul, Sulu at hawak ang mga ito ni Radulan Sahiron.
Kasama ng dalawang Aleman ang dalawa ring European birdwatcher na sina Ewold Horn at Lorenzo Vinciguerra na dinakip noon pang 2012.
Sa ngayon, hawak ng ASG ang dalawang Aleman, dalawang European birdwatcher, tatlong Chinese na kababaihan at isang Pinay na nagngangalang Marcy Dayawan na dinukot sa Sabah nitong Abril.
Kinumpirma rin ni Dinampo na wala pang ransom money na hinihingi para sa dalawang Aleman habang tig-P50 milyon naman ang sa mga bird watcher.
The post 2 Aleman na nawawala bihag ng ASG appeared first on Remate.