WALANG pakialam ang Malakanyang kung lumubog sa utang ang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles sa Ospital ng Makati (OsMak).
Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., bahala na ang OsMak na magpasya ukol sa utang ni Napoles sa kanila.
“Dahil iyan naman po ay transaksyon sa pagitan ng isang pasyente at ng ospital na nagbigay ng serbisyo nito,” ani Sec. Coloma.
Sa ulat, inihayag ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa nila mailalabas ng Ospital ng Makati (OsMak) si Janet Lim-Napoles para ibalik sa piitan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna dahil hindi pa niya nababayaran ang kanyang hospital bill na umabot sa P97, 116.43.
Ani PNP Spokesperson Reuben Theodore Sindac, hindi pa naibabalik si Napoles sa kulungan ngayong araw makaraang tumangging maglabas ng discharge order ang Ospital ng Makati dahil bigo pa rin si Napoles na bayaran ang hospital bill nito.
Napag-alaman na naghain ng mosyon sa korte ang kampo ni Napoles para manatili pa sa OsMak ang pork scam queen para sa ilang medical tests na nakatakdang gawin sa Mayo 14.
The post M’cañang walang paki sa utang ni Napoles sa OsMak appeared first on Remate.