HANDA ang pamahalaan na idepensa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa oras na may kumuwestiyon sa Korte Suprema.
Habang idinaan ang EDCA sa negosasyon ay may ilang stakeholders, at indibidwal ang nagpahayag ng kanilang hangarin na magbigay ng legal challenge sa isyung ito sa Korte Suprema.
Sa isang panayam sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni National Defense Undersecretary Pio Lorenzo Batino na kasalukuyan na nilang inihahanda ang presentasyon ng EDCA at features nito para sa mga lider ng legislative department, sa komite ng dalawang Kapulungan ng Kongreso at sa mga taong kukuwestiyon ng EDCA.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Malaysia Eduardo Malaya isa sa magtatanggol sa EDCA si Undersecretary Francisco Baraan ng Department of Justice, isa sa mga miyembro ng kanilang negotiating panel.
Tutulungan naman ito ng isang senior lawyer ng DoJ na may specialization sa international law.
Ang lahat aniya ng negosasyon ay may pagsubaybay ng Justice Department.
Sa kabilang dako, sa pamamagitan aniya ng EDCA ay malalaman kung anong lugar, llaki ng okasyon ang isi-share ng Pilipinas sa US. Pag-uusapan din aniya ang pasilidad na itatayo para sa tinatawag na joint use at kung ano ang mga kagamitan na papayagan na itayo o ilagay ang pasilidad na gagamitin ng mga sundalong pinoy at amerikano.
Sinasabing hindi lahat ng AFP base ang gagamitin dahil kailangan din ng AFP ang sariling lugar nito.
Ang Pilipinas pa rin ang may “final say” sa lokasyon na pagtatayuan ng pasilidad na nakasaad sa EDCA.
The post Gobyerno, handang idepensa ang EDCA appeared first on Remate.