DEAD-ON-ARRIVAL ang 5-anyos na babae makaraang mabangga ng isang pampasaherong bus na pagmamay-ari ng Rural Transit Mindanao, Incorporated sa highway ng Barangay Sulangon, Dapitan City, Zamboanga Del Sur.
Nabatid na nagmula ang nasabing bus sa Dapitan City bus terminal papunta sa Ozamiz City na minamaneho ng isang Gilgar Dagpin Quizo, 49, at residente ng Barangay Maranding, Lala, Lanao del Norte.
Sa imbestigasyon, bigla umanong tumawid sa ang biktimang si Reah Balladares Dagpin na hindi kaagad napansin ng driver dahilan upang ito ay mabangga.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at nadaganan pa ng bus na nagresulta sa mga grabeng sugat na tinamo nito sa kanyang katawan.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus na kasalukuyang nang nakakulong.
The post 5-anyos pisak sa bus appeared first on Remate.