IBINULGAR ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa nila mailalabas ng Ospital ng Makati (OsMak) si Janet Lim-Napoles para ibalik sa piitan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna dahil hindi pa niya nababayaran ang kanyang hospital bill na umabot sa P97, 116.43.
Sinabi ni PNP Spokesperson Reuben Theodore Sindac, hindi pa naibabalik si Napoles sa kulungan ngayong araw makaraang tumangging maglabas ng discharge order ang Ospital ng Makati, dahil bigo pa rin si Napoles na bayaran ang hospital bill nito.
Nabatid din na naghain ng mosyon sa korte ang kampo ni Napoles para manatili pa sa OsMak para sa ilang medical tests na nakatakdang dinggin sa Mayo 14.
The post Hospital bill ni Napoles sa OsMak ‘di pa bayad appeared first on Remate.