PITONG panukalang batas ang inihain sa Senado ng pinakabatang senador sa bansa kasabay sa pagdiriwang ng kanyang ika-37 kaarawan ngayon.
Kabilang dito ang community disaster warehouse bill, coastal mangrove planting bill, bi-election service reform bill, Philippine big data center bill, cooperatives officer bill, credit surety fund NGO bill at start up fund bill.
Isinumite rin ng senador ngayon ang tatlong committee report bilang chairman ng committee ng trade, commerce at entrepreneurship at youth committee kaugnay sa poverty reduction through social enterprise (present), youth entrepreneurship and financial literacy at Philippine lemon law on motor vehicles bills.
“Dapat nating unahin ang kapakanan ng bansa at mga kapwa pilipino sa ano pa mang bagay,” ani Aquino.
“Dapat tayong kumayod nang husto upang maiangat ang mga Pilipino sa kahirapan at maghanap ng paraan na pakikinabangan ng nakararami. Ito ay isang paraan lang ng pagpapasalamat sa tiwala na ibinigay nila sa akin,” dagdag pa ng solon.
The post 7 panukalang batas inihain ni Sen. Aquino appeared first on Remate.