Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Napoles list sa DoJ kinuwestyon ni Chiz

$
0
0

HINDI lang ang tatlong senador na idinidiin sa isyu ng pork barrel scam, maging ang kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino ang nagtataka kung bakit hindi mailabas ni Justice Sec. Leila de Lima ang sinasabing affidavit ni Janet Lim-Napoles na naglalaman ng listahan ng karagdagang mambabatas na isinasabit din sa maanomalyang paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa panayam kay Sen. Chiz Escudero nitong Miyerkules, iginiit nito na hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kalihim na bina-validate pa nito ang nasabing Napoles list.

Aniya, hindi naman pwedeng baguhin ni de Lima anuman ang nilalaman ng affidavit.

Tiniyak nito na papalag ang tinaguriang ‘pork barrel queen’ kapag nabago ang laman nito.

Giit pa ng mambabatas na walang dapat ikatakot ang sinuman na sinasabing nasa listahan ni Napoles dahil kailangan pa ring patunayan ito sa pamamagitan ng mga ebidensya.

Kung sakali aniyang lumabas ang pangalan ng sinumang mambabatas maliban kina Sen. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, na una nang sinampahan ng kaso sa Ombudsman kaugnay sa isyu, walang dapat gawin kundi ang magpaliwanag.

Gaya ni Escudero, naniniwala rin si Sen. Grace Poe na kung ipagpatuloy ng Senate Blue Ribbon committee ang imbestigasyon sa PDAF scam at talakayin ang affidavit ni Napoles na hawak ni de Lima, mas mainam aniyang gawin itong bukas sa publiko at hindi sa pamamagitan ng executive session.

Maaari rin naman aniya na ang kalihim na lang ang ipatawag at maaari niyang sabihin kung bakit hindi niya puwedng ilantad sa publiko ang Napoles list.

Kumpiyansa naman si Escudero na hindi naman masasakripisyo ang pambansang seguridad sa nilalaman ng kontrobersyal na affidavit.

Tinatawag namang ‘too much talkative’ ni Sen. Jinggoy Estrada si De Lima dahil sa mabilis nitong pagtugon kapag silang 3 senador ang idinidiin sa pork barrel scam.

Tikom naman aniya ang bibig nito kapag tinatanong kung sino-sino naman sa mga kaalyado ni PNoy ang posibleng naisama sa dagdag na Napoles list.

The post Napoles list sa DoJ kinuwestyon ni Chiz appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>