NAMATAY na ang isang babaeng nurse na tubong Negros Occidental matapos obserbahan sa isang pagamutan sa Saudi Arabia dahil sa hinalang nahawaan ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV).
Ito ang pagkukumpirma ng mister ng Pinay nurse na isang alyas Toto na namatay na ang kanyang misis bago mag-alas-11:00 ng umaga (Saudi time).
Aniya, ilang araw na nasa Intensive Care Unit (ICU) ng King Fahd Medical City sa Riyadh inobserbahan ang kanyang misis at sinabing isa itong kaso ng MERS-CoV.
Napag-alaman na nagtatrabaho ang Pinay nurse sa naturang hospital na itinuturing na isa sa mga pinakamalaki at advanced medical complex sa Middle East.
Ayon pa kay Diaz, pinapupunta ngayon ang asawa sa Saudi upang iproseso ang pagpapauwi sa bangkay ng kanyang asawa.
The post Pinay nurse pumanaw sa MERS-CoV sa Saudi appeared first on Remate.