DINEDMA lamang ni Senate President Franklin Drilon ang mga alegasyon sa kanya ng whistle blower na si Sandra Cam.
Kaugnay ito sa pahayag ni Cam na si Drilon ang nasa likod ng planong pagpapatahimik sa kanya.
Ayon kay Drilon, hindi niya pagsasayangan ng panahon ang mga patutsada ni Cam dahil nagpapapansin lamang ito.
Pinabulaanan din ng senador na kilala niya at isinugo niya ang opisyal ng gobyerno na umaaligid at nag-aabang sa tahanan ni Cam sa Cavite.
The post Drilon dedma sa mga alegasyon ni Cam appeared first on Remate.