PATAY ang isang takatak boy makaraang magbaril sa sarili habang nakikipaginuman sa kaibigan nitong Linggo ng gabi, May 4, sa Brgy. Flores, Malabon City.
Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) si Cesar Lucas , 44, cigarette vendor may kinakasama, ng #15 Women Club St., ng nasabing barangay sanhi ng tama ng baril sa kanang sentido.
Base sa imbestigasyon ni Sp01 Jerry Dela Torre, alas 10:10 ng gabi ng matagpuan naliligo sa sarling dugo ang bikitma sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanang sentido habang hawak sa kanang kamay ang kalibre 38.
Ayon sa saksing si Eugenio Tan, nakipaginuman ang biktima sa kaibigang si Fidel at nang malasing ay nakatulog na ito sa inuman.
Nakatanggap na lamang ng report si Sp03 Lyn De Siva ng police community precint 5 (PCP5) hinggil sa nasabing pamamaril kaya agad itong rumesponde at dinala pa ang biktima sa nasabing pagamutan pero hindi na umabot ng buhay.
Patuloy na inaalam ng mga pulis kung may naganap na foul play sa insidente habang hinahanap na rin ang nakainuman ng una na si Fidel.
The post Takatak boy nagbaril sa sarili, patay appeared first on Remate.