NGAYONG linggo na ilalabas ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong vehicle license plates na mas madaling basahin pero mahirap pekein.
Ang bagong plaka ng sasakyan na may black-on-white lettering ay maaaring mabasa kahit sa distansya.
Sinabi naman ni LTO spokesman Jason Salvador na ang plaka ay wala rin na administration slogans tulad ng “Matatag na Republika,” at sa halip ang nakalagay dito ay ang rehiyon na pinag-isyuhan nito.
“Hindi na nakalagay rito ang mga slogan sa mga administrasyon tulad ng ‘Matatag na Republika’ (o) ‘Philippines 2000.’ Ngayon minarapat natin ilagay rito kung saang rehiyon siya galing,” pahayag ni Salvador.
Ang bagong license plates ay may three control letters at four digits, kumpara sa dating plaka na may three control letters at three digits.
Sa kabilang dako, ang LTO stamp sa plaka ay mahirap gayahin.
Parte aniya ito ng “plate standardization program,” ng ahensya para mas madaling malaman para sa publiko kung ito at peke o orihinal.
Isa pa aniyang high-tech feature sa bagong plaka ay abng bar code system na kapag inis- scan ay makikita ang chassis at motor numbers, color at gawa ng behikulo.
Inaasahan din aniya na ang bagong disenyo ay makasasagot sa potential confusion na nagmula sa pagkakaiba ng disensyo ng license plates sa mga nagdaang taon.
The post Bagong LTO plates, ilalabas ngayong linggo appeared first on Remate.