LABINGPITONG katao ang nasaktan kabilang ang 74-anyos na lola nang ugain ng magnitude 6.0 na lindol ang ilang bahagi ng Japan, kaninang umaga, Mayo 5.
Sa ulat ng local media, nagtamo ng mga bukol at pasa sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima nang mabuwal habang lumalabas sa kani-kanilang kabahayan. Isang 74-anyos na babae na hindi nakuha ang pangalan ang nabalian ng buto sa balikat.
Ayon sa US Geological Survey, naitala ang sentro ng pagyanig malapit sa Izu Oshima Island sa timog-kanluran ng Central Tokyo, sa lalim na 155 kilometro.
Tumama ang lindol dakong 5:18 ng umaga (oras sa Japan) at niyanig nito ang ilang apartment at opisina.
The post UPDATE: 17 injured sa lindol sa Japan appeared first on Remate.