HINANAKIT sa pamilya ang sinasabing dahilan ng pagbibigti ng isang padre de pamilya sa kanilang bahay sa Sta. Mesa, Maynila kahapon.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Manuel Eleazar, 49, ng 203 Dominga Ampil St., Sta. Mesa, Maynila.
Sa imbestigasyon, ilang beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktima at ngayon lamang natuluyan.
Batay sa suicide note ng biktima, nakasaad dito ang hinanakit niya sa kanyang pamilya kaya siya nagbigti.
The post Tatay na nagtampo sa pamilya nagpakamatay appeared first on Remate.