HINDI pinaporma ni American undefeated boxer Floyd Mayweather, Jr. ang katunggaling si Marcos Maidana sa kanilang title bout kanina sa Las Vegas Nevada.
Dahil sa panalo, naagaw ni Mayweather at hawak ni Maidana na WBA welterweight belt.
Base sa scorecards, 114-114, 117-111, 116-112.
Gaya ng ipinangako, sa simula hanggang sa huli ay naging agresibo si Maidana subalit sinabayan siya ng beteranong si Mayweather.
May sitwasyon din na na-corner ng dating WBA welterweight champion ang pound for pound king.
Dahil sa tindi ng laban, nasugatan pa sa kanang bahagi ng mata si Mayweather dahil sa headbutt sa pagtatapos ng round 4.
Ayon kay Floyd, sa lahat ng nakalaban niya, si Maidana lang ang pinakamagulang at maruming maglaro.
Una rito, tatlong beses na pinabagsak ni bagong WBC silver welterweight champion Amir Khan ang kalabang si Luis Collazo sa impresibong panalo.
Nagwagi si Khan sa pamamagitan ng majority decision: 117-106, 119-104.
Unang bumagsak si Collazo sa Round 4.
Matapos ang knockdown humahabol si Collazo at ipinapakita sa British boxer na hindi ito nasaktan.
Pagsapit ng Round 10, dalawang beses na bumagsak si Collazo.
Kapwa naman binawasan ng puntos ang dalawang boksingero matapos suntukin ni Collazo si
Khan sa ari habang pinatawan naman ng holding si Khan.
Si Amir Khan ay dating sparring partner ni Manny Pacquiao.
The post Mayweather panalo via majority decision appeared first on Remate.