TINUPAD ni dating IBF Junior welterweight champion Johnriel Casimero ang pangakong tatalunin si Columbian boxer Mauricio Fuentes.
Ito’y sa kabila ng pagkatanggal sa kanya ng korona dahil sa mabigat na timbang.
Pinataob ni Casimero si Fuentes via knock-out at tinapos lamang ito sa loob ng dalawang minuto at 59 segundo. Dalawang beses bumagsak si Fuentes sa loob lamang ng first round.
Unang natumba ang Columbian boxer nang tamaan ng solid right upper cut mula sa Filipino boxer.
Kasunod nito ay ang solid right hook at simula noon ay hindi na nakabawi pa si Fuentes.
Mula pa lang sa pagtunog ng first bell, naging agresibo agad ang galaw ng Pinoy na talunin ang katunggali at hindi naman nabigo.
Una nang pinahayag ni Casimero na babawi siya sa laban bagama’t nawalan na ang kanyang titulo bilang IBF welterweight champion.
Sa ngayon, nais ni Casimero na maharap sa ring si WBO flyweight champion Juan Francisco Estrada na tumalo sa kapwa Pinoy boxer kagaya nina Brian Viloria at Richie Mepranum.
Isinagawa ang labang Casimero at Fuentes kagabi sa Waterfront Hotel, lungsod ng Cebu.
The post Casimero, pinataob ang Columbian boxer appeared first on Remate.