Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Residential area sa QC, nasunog

$
0
0

NASUNOG ang isang residential area sa bahagi ng Banawe Street sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City, kaninang umaga, Mayo 4.

Alas-7:58 ng umaga nang mag-umpisa ang sunog sa garahe ng isang dalawang palapag na bahay na pag-aari ng isang Richard Tan.

Ayon sa caretaker ng bahay, may sumabog sa loob ng bahay ng kanyang binabantayan bago kumalat ang apoy.

Sinabi naman ni Senior Supt. Jesus Hernandez, fire marshall, nagkaroon ng electrical short circuit sa luma nang bahay  na pinalala pa ng mga highly flammable na spray paint at pintura na naimbak dito.

Agad tinaas ang sunog sa ikalawang alarma na idineklara namang fire out alas-8:40 ng umaga.

Nadamay ang isang limang palapag na residential/commercial building sa likurang bahagi ng bahay ni Tan maging ang katabing bahay ay inabot din ng apoy.

Tinatayang nasa P1.5 milyon ang pinsala sa naturang sunog.

Wala namang nasugatan sa insidente.

The post Residential area sa QC, nasunog appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>