UMAABOT sa P30-M halaga ng sangkap sa paggawa ng shabu ang nadiskubre ng awtoridad sa isang condo unit sa Binondo, Maynila ngayon lamang.
Bukod sa mga sangkap, nakakuha rin ang awtoridad ng limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon at ilang counterfeit branded na bag.
Nahuli naman sa sinalakay na condo unit ang nagpakilalang caretaker na si Albert So.
Lumalabas na si So ay nauna nang nakasuhan hinggil din sa illegal drugs pero na-dismiss ang kanyang kaso.
The post P30M shabu nadiskubre sa Binondo, Maynila appeared first on Remate.