ISINUSULONG sa Senado ang pagbabago sa umiiral na sistema ng pagbubuwis para makabawas sa pasanin sa mga gastusin ng mga manggagawa.
Sa pagkakaroon ng patas na sistema ng pagbubuwis, mahihikayat ang pubiko na magdeklara ng tunay na kita at magbayad ng tamang buwis.
Sa Senate Bill No. 1942, na inihain ni Sen. Bam Aquino, napapanahon na para baguhin ang kasalukuyang tax bracket na itinakda ng National Internal Revenue Code (NIRC), na naipasa noong 1997.
Alinsunod sa panukala, aamyendahan ang Section 24 ng NIRC 1997 upang maiakma ang antas ng net taxable income at nominal tax rates sa pagkuwenta ng income tax batay sa kasalukuyang presyo.
Giit pa nito, hindi makabibigat sa maliliit na negosyante o micro, small & medium enterprises (MSMEs), na bumubuo ng karamihan sa employers sa bansa.
Aniya, ang panukala ay isang win-win solution dahil makakakolekta na ng pondo ang gobyerno para sa mga programa nito, mapalalakas pa ang isinusulong na pag-asenso para sa lahat.
Alinsunod pa sa panukal, magkakaroon din ng pagbabago sa tax level ng isang porsyento ng taxpayers na nasa pinakamataas na bracket, upang makakolekta ang pamahalaan ng mas malaki mula sa may kakayahang magbayad.
The post Patas na sistema ng pagbubuwis iginiit appeared first on Remate.