Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Immunity kay Tuason ‘di nakagugulat – Jinggoy

$
0
0

KUMPIYANSA ang isang solon na idinadawit sa pork barrel scam na maidedepensa niya ang kanyang sarili sakaling iakyat sa Sandiganbayan ang usapin.

“I am very confident that we will be victorious in the end and Mrs. Tuason will crumble in cross examination,” ani Sen. Jinggoy Estrada sa isang national TV interview nitong Biyernes.

Reaksyon ito ng senador kasunod ng immunity na ibinigay ng Ombudsman kay Ruby Tuason matapos isauli ang P40 million manager’s check kay Ombudsman Conchita Morales na sinasabing kickback nito mula sa pork barrel ni Estrada.

Si Tuason ay dating tauhan at kaibigan ng pamilya Estrada na bumaliktad at tumestigo laban sa senador.

Aniya, inaasahan na niya na bibigyan ng immunity si Tuason bagama’t kasama ito sa isa mga akusado ng DoJ, NBI at sa joint resolution na unang inilabas ng Ombudsman para palabasin na patas ang isinasagawang imbestigasyon sa isyu ng pork barrel scam.

Ipinagtataka rin ng senador kung paano nakuha o umabot lamang sa P40 milyon ang nakamkam ni Tuason mula sa maanomalyang P10 bilyong pork barrel at Malampaya scam.

Paulit-ulit na rin aniyang sinabi ni Sen. Teofisto Guingona na agad na sisimulan ang imbestigasyon kaugnay sa Malampaya scam subalit nababalam pa rin hanggang ngayon.

Kokonsultahin din niya ang kanyang mga abogado kung ano ang susunod na magiging hakbang niya sa desisyon ng Ombudsman na immunity kay Tuason.

The post Immunity kay Tuason ‘di nakagugulat – Jinggoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>