SUGATAN ang pitong pasahero matapos bumangga ang sinasakyang bus sa isang puno sa South Luzon Expressway (SLEx), Biyernes ng hapon.
Nangyari ito malapit sa Biñan exit sa southbound lane ng highway ayon sa saksing si Engr. Melvin Acosta.
Ayon kay Col. Inocencio Silbol, traffic and security manager ng SLEx, alas-3:37 ng hapon nang malaglag sa gilid ng highway ang Pamar Bus na biyaheng Bicol-Cubao.
Aminado aniya ang driver na nakatulog na naging sanhi ng aksidente.
Sakay ng bus ang 44 pasahero kabilang ang isang buntis na agad dinala sa University of Perpetual Help Medical Center.
Hindi naman malala ang natamong pinsala ng pitong pasahero.
The post UPDATE: Bus na nahulog sa SLEx, 7 sugatan appeared first on Remate.