NANINIWALA ang isang solon na mahalaga pa rin na pairalin sa bansa ang konsiderasyon sa pisikal na kalagayan at edad ng isang ikukulong lalo pa’t isa itong opisyal ng pamahalaan.
Reaksyon ito ni Sen. Antonio Trillanes sa kalagayan ni Sen. Juan Ponce Enrile kung tuluyang makukulong dahil sa pagkakadawit sa isyu ng maanomalyang P10-bilyong pork barrel scam.
Kasama sina Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla, posibleng arestuhin ang 3 senador na kinasuhan ng plunder sa Ombudsman sa pagkakasangkot sa isyu.
Iginiit din ang 3 mambabatas sa bagong affidavit ni Janet Lim Napoles na isinumite kay Justice Sec. Leila de Lima at dating Sen. Panfilo Lacson.
“We will see to it that they would be treated fairly and accorded due respect with the presumption of innocence,” ani Trillanes sa kapwa mga senador na nahaharap sa kasong kriminal.
Ayon kay Trillanes, dapat ibigay kay Enrile, 90, ang special treatment kung tuluyang ikukulong.
Bilang isang dating detainee, naiintindihan nito na may espesyal na pangangailangan ang senior citizens na hindi maibibigay sa ordinaryong kulungan.
Subali’t aminado ang solon na hindi siya tututol sa house arrest para sa beteranong senador pero depende pa rin ito sa desisyon ng Sandiganbayan.
The post Kalusugan, edad, ipinakokonsidera sa senior citizens na makukulong appeared first on Remate.