DAPAT ibigay ang natitirang sahod ng illegally terminated overseas Filipino workers (OFWs) base sa kanilang pinirmahang kontrata na nilabag ng employers.
Bukod pa ito sa reimbursement ng kanilang placement fees kasama ang interest.
Dapat din silang suportahan ng gobyerno ng Pilipinas hanggang sa muling makabangon.
Ito ang ilan sa nilalaman ng Senate Bill 2162, na inihain ni Sen. Grace Poe bilang amyenda sa Republic Act 10022 o ang amendment sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995.
“It is our duty to protect our modern-day heroes who have contributed significantly to the survival of our economy. The sacrifices they make should not be taken for granted,” ayon kay Poe sa kanyang introductory note.
Alinsunod sa panukala, tungkulin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng bagong training at retraining, livelihood at technology assistance, seminars para sa microfinance assistance, at iba mga oportunidad gaya nito para sa displaced OFWs.
Layon din ng panukala na ibigay sa OFW ang buong sweldo nito para sa hindi natapos na bahagi ng kaniyang kontrata, sa halip na bahagi lamang ng 3 buwan sahod sa bawat taon ng unserved period.
Base sa pinakahuling survey National Statistics Office (NSO), tinatayang nasa 2.2 milyon ang bilang ng OFWs.
The post Suweldo sa illegally terminated OFWs iginiit appeared first on Remate.