KUMPIRMADONG tatlong miyembro ng pamilya ang namatay sa naganap na sunog sa isang residential area sa Jorge Bacobo St., Malate, Maynila.
Ang mga biktima ay miyembro ng pamilya Vilar, na kinabibilangan ng mag-asawang Margarita at Edgardo, kapwa 62-anyos at kanilang anak na si Merwin, pawang binawian ng buhay dahil sa suffocation.
Nabatid na nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay na pag-aari ni Coraon Layug alas-3 ng hapon ngayong araw na umabot sa ikalimang alarma.
Idineklarang fire under control ang lugar pasado alas-4 ng hapon.
Tinatayang aabot naman sa P1 milyon halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy kabilang na ang pagkasunog ng 10 bahay.
The post UPDATE: 3 patay sa sunog sa Malate appeared first on Remate.