UMABOT sa 10 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Jorge Bacobo St., Malate, Maynila.
Ayon kay Fire Supt. Jaime Ramirez, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay na pag-aari ni Coraon Layug.
Napag-alaman na tatlo naman ang nasugatan sa sunog.
Nawalan naman ng malay ang isang Margie Villar, 50, nang ma-suffocate habang isa pang ‘di nakilalang residente ang nahirapan ding huminga dahil sa kapal ng usok mula sa nasusunog na kabahayan.
Pasado alas-3 ng hapon nang sumiklab ang sunog na umabot sa ikalimang alarma.
Idineklarang fire under control ang lugar pasado alas-4 ng hapon.
Tinatayang aabot naman sa P1 milyon halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.
The post UPDATE: Sunog sa Malate tumupok ng 10 bahay appeared first on Remate.