UMAPELA ngayon si House Independent Minority Bloc Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa publiko na ibigay ang karampatang paggalang kay US President Barack Obama na padating bukas upang makipag-usap kay Pangulong Aquino.
” It’s the least the people can do to show their appreciation to Obama for the continued support the US is giving to the Philippines, especially to the victims of super typhoon Yolanda,” ayon kay Romualdez.
Banggit pa ng kongresista na hindi dapat limutin ng publiko na ang US ang isa sa mga unang bansa na nagpadala ng military personnel na nagdala ng mga pagkain at iba pang supplies sa survivors ng bagyong Yolanda.
Maging ang ibinigay na katiyakan ni President Obama para sa US military support sa Pilipinas sa panahon ng posibilidad ng pananakop ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.
Umaasa si Romualdez na sa pagdalaw na ito ni President Obama sa Pilipinas ay lalong titibay ang ugnayan ng dalawang bansa.
The post Rep. Romualdez sa publiko: Maging mabait kay Obama appeared first on Remate.