HINDI kalaban sa pulitika kundi may-ari ng aso ang bumaril sa isang municipal mayor ng Kalinga nang masagasaan nito ang alagang aso ng una nitong Biyernes ng gabi, Abril 26.
Tinamaan ng bala ng baril sa baywang ang biktimang si James Edduba, mayor ng Pasil, Kalinga.
Nasa mabuti nang kalagayan at nagpapagaling na lamang sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City ang biktima.
Hinahanting naman ng pulisya para panagutin sa krimen ang suspek na sadyang hindi pinangalanan.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-9:50 nitong Biyernes ng gabi sa Sitio Pinagan, Barangay Lucog, Tabuk City.
Ayon kay Police Senior Victor Wanchakan, Kalinga Provincial Director, bago ang insidente ay lulan ang biktima at ilan sa kanyang mga kaibigan sa isang Ford pickup at papunta sa Tabuk City nang masagasaan nito ang isang aso na biglang tumawid sa kalsada.
Bumaba naman sa kanyang sasakyan ang biktima para tingnan ang asong nasagsaan pero may biglang bumaril dito.
Kamakailan lamang, patay sa pamamaril ang isang town mayor ng Cagayan province habang naglalatag ng flag raising ceremony.
Inako na ng NPA guerrillas ang krimen.
The post UPDATE: Kalinga mayor, binoga ng may-ari ng nasagasaang aso appeared first on Remate.